Jay Dilan
Sa pagtatalo ng damdamin at isip ko
Ano nga ba ang panalo?
Sa karera ng buhay sa mundo
Sino nga ba ang panalo
Sa mga dukha sa lansangan
Sa mamamayan na mayaman
Sino ang alipin ng mundo?
Sa mga taong nalulong
Sa mga taong nakakulong
Malaya ang isip ng nagtatanong
Ikaw ba si ganito?
na pinapangarap mo?
Ikaw ba iyan o napipilitan ka?
Sa lahat ng pangyayari na hindi dapat nangyari
Tanong mo ba ay bakit nagkaganoon?
Isang tanong, isang sagot
Ikaw ba ay taong nagtatanong kung bakit may tao sa mundo?
Ikaw ba si ganito?
na pinapangarap mo?
Ikaw ba iyan o napipilitan ka?